Rio Alma in red with another National Artist, Dr. Bienvenido Lumbera (second from right), during a Francisco Balagtas Day celebration last April 2 at the Balagtas Shrine in Pandacan, Manila |
Vim Nadera: Under you, Buwan ng Wikang Pambansa must be more eventful?
Virgilio Almario: Sa Agosto 19, 20, at 21 -- magkakaroon ang KWF ng Kongreso sa Wika. Gaya ng dati, magkakaroon ng Ulat ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino ukol sa aking mga nagawang hakbang ng KWF sa nakaraang anim na buwan at iba pa. Siyempre, sa ika-31 ng Agosto, ang taunang kongreso ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. Taon-taon, nagbibigay ang UMPIL ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, Gawad Paz Marquez Benitez, at Gawad Pedro Bucaneg sa mga pinakamahusay na manunulat, guro, at samahang pampanitikan. Para sa 2013, ang ating paksa ay iikot kay Andres Bonifacio na magdiriwang ng ika-150 anibersaryo sa Nobyembre.
VN: Good thing, you have the support of your Lupon ng mga Komisyoner?
VA: Oo. Unang-una, sa unang pagkakataon, ngayon lang nagkaroon ang KWF ng Lupon ng mga Komisyonder na nominado ng iba’t ibang organisasyong pangwika at pampanitikan. Aktibo ang mga Komisyoner, lahat may kani-kaniyang proyektong dapat alagaan sa kanilang mga rehiyon. Kaya ngayon palalakasin namin ang mga sentrong pangrehiyon ng KWF. Ang tinatawag na Sentro ng Komisyon ay hindi lang dapat sentro ng wika kundi sentro ng kultura.
VN: By the way, what ever happened to the UP Diksiyonaryong Filipino published during your term as the Sentro ng Wikang Filipino director?
VA: Basta ang plano ko ay maglabas ng ikatlong edisyon sa susunod na taon.
VN: How would you call it?
VA: Diksiyonaryo Almario?
VN: Any other publication?
VA: Balak ko ring maglabas ng serye ng publikasyon na tatawagin kong Aklatan ng Bayan. Dito ko ilalathala ang huling limbag ng mga aklat sa wika at panitikan na wala na sa sirkulasyon. Gayundin ang mga bagong pag-aaral at ehemplo ng mahusay na panitikan na puwedeng gamitin ng mga bata sa paaralan. Nasa pipeline, halimbawa, ang isang koleksiyon ng mga alamat na Maranao. Nakahanda na rin ang isang panitikang-bayan ng Cordillera. Gusto ko ring magkaroon ng pagpili at pagsasalin sa Filipino ng mahuhusay na panitikan sa loob at labas ng Filipinas.
VN: You have been launching at least a book every year. Could you tell us more about Ang Romansa ng Pagsagip sa Osong Marso that you launched last 8 March, the day before your birthday, at the UP Vargas Museum?
VA: Ang Romansa ng Pagsagip sa Osong Marso ay ang aking eksperimento na maaaring ang kauna-unahang speculative poetry kung hindi man dito ay sa buong daigdig. Lahat ng bagay sa aklat ay naganap sa “Third Universe” matapos magunaw ang unang dalawa. Ang paniwala ko lang naman ang lahat ng sci-fi, gaya ng Star Wars or Star Trek, ay mga panitikang alegorikal. Kahit pang-hinaharap, nandoon pa rin ang mga problema sa kasalukuyan. Ganoon din ang sa akin. Sa kaso ng libro ko, ang suliranin ay espirituwal.
VN: Are you saying that Rio Alma is getting spiritual?
VA: Para sa akin, ang pagiging maka-tao, ang pagiging maka-kalikasan ay hindi problemang materyal. Problema iyon ng espiritu ng tao. Hindi ito mauunawan kung wala kang pagbabagong espirituwal. Kaya, iyon ang ginawa ko, sasakupin nila ang isang planeta, miminahin nila, uubusin nila lahat ng kayamanan, at saka dudurugin hanggang sa mawala sa uniberso. Kung noon ay maraming kuwento sa namamatay na araw, ngayon wala akong ginawa kundi magtanong: Ito kayang araw na ito ay magkakaroon ng resureksiyon?
VN: What is your dream project?
VA: May dalawa talaga akong malalaking pangarap. Una, ang pagsasalin ay mabigyan ng pagpapahalaga. Kung maaari ay ma-professionalize ito ng aking administrasyon. Sana nga, magkaroon tayo ng isang Kawanihan sa Pagsasalin. Ito ay upang mapaunlad ang pagsasalin at mabigyan ng lisensiya ang mga tagasalin. Ikalawa, ibig kong makapagpatayo ng isang gusali para sa KWF. Sa ngayon, para kaming sardinas sa aming tanggapin. Palagay ko, ito ay sintomas ng pagtrato ng pamahalaan sa wikang Filipino.
VN: How do you manage to be always one step ahead?
VA: Marami kasing dapat gawin. Napansin ko sa pag-aaral ko ng panitikang Filipino na ang daming nasayang na panahon sa Siglo 20. Ang ating talino tuloy hindi nakasabay sa pangangailangan ng panahon. Ang babaw ng nalikhang panitikan sa Filipinas. Ang ginagawa ko lang ngayon ay ulitin ang mga posibilidad na hindi nangyari noon. Noong una, inulit ko na ang mga ginawa nila. Kininis ko. Ngayon, ang ginagawa ko na ang mga bagay na hindi nila ginawa, nakalimutan nilang gawin, o kaya wala talaga sa kanilang kamalayan. O ayaw nila. Halimbawa, ang isa ko pang ilalabas na libro ay Libog at Lunggati. Ito ang unang libro ng panulaang erotiko sa Filipino. Siguro, ilalabas ko ito dalawang buwan mula ngayon. Masusundan pa ito ng pagpapaliwanag ko ng Bagong Formalismo na may pamagat na Ang Tungkulin ng Kritisismo sa Panitikan ng Filipinas. Hunyo ang target ko para dito.
VN: Wow. All in one year?
VA: Alam mo, naplano ko na ang buhay ko limang taon na ang nakakaraan. Kaya, ang lahat ng iyan, ang nasimulan na noong pang 2008. Kaya, kung ano ang unang matapos, inilalabas ko lang. Mayroon pa akong nakahanda na 10 pa! Malapit nang mabuo ang Orasyonal. May tinatapos din akong nobela. May koleksiyon ako ng maikling kuwentong fantastiko.
VN: It seems that you have written all the literary genres. What about scriptwriting?
VA: Ayaw ko namang subukan iyon. Dula na lang. May opera ako. Ang titulo nito ay San Andres B. Nilapatan ito ng musika ni Chino Toledo. Ididirihe ni Floy Quintos. Itatanghal ito sa Cultural Center of the Philippines Main Theater sa tulong ng National Commission for Culture and the Arts at National Historical Commission of the Philippines. Kaya abangan ninyo ito sa ika-30 ng Nobyembre ngayong taong ito – ang seski-sentenaryo ni Bonifacio!
No comments:
Post a Comment