Suzette Doctolero (left) with Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. who plays Malaya in the latest teleepic "Indio" which she conceptualized and wrote for GMA 7 (Photo by Xiao Chua) |
Vim Nadera: What can we expect from Indio?
Suzette Doctolero: Fantasy na Filipino ang orientation. Hindi na western. Ang Encantadia ay western. AngAmaya at hopefully itong Indio ay Pinoy na Pinoy.
VN: Do the directors and the producers respect you or your written text? How?
SD: With GMA-7, yes. The management doesn’t meddle with the creative aspect. Hindi ka rin pagagalitan, pag hindi mag-rate. Bahala kang mag-isip ng k’wento. All they want are good and innovative soap opera stories. If they like your concepts, igo-go nila nang walang kung anu-anong pakikialam kaya until now ay nasa GMA ako. May creative freedom e bukod pa sa may maganda silang pasahod at pagbibigay ng credit sa writers. Sino bang nagpauso ng pagbibigay ng billing sa mga writers na nauuuna pa ang pangalan kaysa sa show? GMA-7 iyan.
VN: For a time, you tried writing romance novels. Could you tell us more about it?
SD: After my short stint sa Balintataw TV, yes. Sabi ko nga, I wanted to write. So noong nawala sa ere ang Balintataw, naghanap ako ng bagong susulatan. One day, I passed by National Bookstore to check some books. Napadaan ako sa Filipiniana, sa romance novels section. Nagulat ako. Aba, may Filipino romance novels na pala na mala-Mills and Boon dito sa Filipinas? I was no fan of Mills and Boon (I’ve only read one or two nu’ng teen ako tapos ayaw ko na) pero any venue for me to write, susunggaban ko talaga. I bought one title from Rosas Series. It was written by Lualhati Batista na editor din ng Rosas. Pinag-aralan ko iyon including kung paano sinimulan, ibinigay ang point at tinapos ang bawat chapter. Hmm, ganito pala magsulat ng romance novel? So nagsulat ako using my old reliable Underwood typewriter na muntik pang ihagis ng nanay ko noon dahil ang ingay-ingay.
After five days, may romance novel na ako. My problem then was how to sell it.
I looked for the phone number of Anvil Publications, the publisher of Rosas Series, and called them. I told them, I lied actually, na kamag-anak ako ni Lualhati Bautista and I wanted her home address. Aba, ibinigay nga! Lualhati Bautista was living in New York, Cubao back then. So from Cavite, naglakbay ako pa-Cubao para puntahan siya. Kumatok ako sa gate, siya mismo ang nagbukas ng pinto. Starstruck ako. Ito ang gumawa ng Dekada ‘70 na pinagpasa-pasahan pa namin noon sa PUP. Pero di ko nakalimutan ang rason ko kung bakit ako nandoon. Sabi ko, gusto kong magsulat gaya niya. Nandito ang nobela ko, basahin ninyo po kung may oras kayo.
Aba, ngumiti si Hati at saka pinapasok ako sa bahay niya. Dahil idol ko siya kaya tumuloy ako at inisip ko rin na manghingi ng tubig since Cavite pa ako galing.
Yun pala ay may mga bisita siya. Nandoon sina Roland Tolentino, Joi Barrios at Levi de la Cruz. E nababasa ko sila, hindi sa romance o popular lit kundi sa mga akdang panliteratura. Ipinakilala ako ni Lualhati sa kanila saka sinabi niya sa mga iyon na gusto kong magsulat at ipinakita pa ang inabot kong manuskrito. Hiyang-hiya ako. Paano kung hindi magustuhan o ma-reject? Hindi ko na matandaan kung paano ako umalis o nagpaalam sa kanila. Ang alam ko lang, pinagpapawisan ako sa nerbiyos at kahihiyan. Hindi na rin ako nakahingi ng tubig na maiinom. Buti na lang, after one week, nag-pager o beeper si Hati at binabati ako. Nakapasa ang nobela ko sa panlasa niya. Ito ay na-publish ng Anvil. Ako si Alex, Babae ang title. Masaya ang panahong iyon kasi gabi-gabi halos ay may inuman at k,wentuhan session sa bahay ni Lualhati. Hindi na ako nahihiya kina Joi Barrios kasi feeling ko, peers na kami sa pagsusulat ng romansang popular.
VN: Is being romantic a prerequisite to writing love stories? Are you one of them?
SD: I’m not. Never been a romantic. Pero all the movies I wrote ay romance. E kasi inaral ko kung paano magpakilig. Sa romance novels, hindi naman talaga totoong pure romance stories ang naisulat ko. Masuwerte lang ako at feminist ang naging editor kong si Lualhati kaya nakapasa sa kanya ang nagawa ko. E mahilig ako sa strong female characters kasi yun ang norm sa akin. Matriarchal ang pamilya ko kaya sanay ako sa mga babaing independent. E bawal ang mga strong, independent female lead characters sa romance stories. Kailangang damsel in distress lagi.
VN: What would it take to become a romance novelist?
SD: Noong dumami ang publishers dahil nag-boom ang Tagalog romance novels noon ay may isang publisher pang namudmod ng guidelines kung paano magsulat ng romance. Ito more or less ang nakalagay doon sa pamphlet niya:(1) Kailangang mahirap ang female lead pero mabait, maganda, at may mahabang buhok; (2) Kailangang mayaman ang male lead, guwapo pero masungit; (3) Okey lang na may trabaho ang female lead pero dapat ay mas mababa ang katayuan niya kaysa sa male lead like sekretarya, nurse, teacher, tindera; (4) Huwag nang pag-aksayahan ng panahong i-describe ang milieu like palengke, factory o opisina; (5) Huwag ring damihan ang narrative description ng scene o pangyayari. Mas interesado ang mambabasa sa dialogs. Maraming guidelines o laws iyan. Lima lang ang natandaan ko. At hindi ko sinunod kaya hindi rin ako nagtagal sa pagsusulat ng nobelang romansa o popular. O sige na nga, napapaaway ako. Biruin mo ba naman, dumating sa point, doon sa ibang publishers ay kanilang mga sekretarya na lang ang pagbabasahin ng nobela. Kapag hindi siya naiyak at hindi siya kinilig, reject ka. Dumating rin sa point na sa dami na ng mga publishers ay paliit din nang paliit ang inaalok nilang bayad sa writers ng nobelang popular. Magsusulat ka ng 130 pages tapos P2,000 na lang? Sa Anvil, P10,000 ang bayad nila. Nasunugan lang kasi ang Anvil noon at nag-fold up ang Rosas kaya tumigil na sila sa pagpupublish. Lumayas na ako sa pagsusulat ng nobelang popular. Mas pinili ko na lang na magsulat sa TV.
No comments:
Post a Comment