Suzette Doctolero (right) as one of the speakers with Prof. Michael Charleston Chua and Dr.Bonifacio Comandante during the 2012 Bagong Kasaysayan (BAKAS) Seminar-Workshop |
Vim Nadera: Please be our guide to popular literature. Do you need a formula to come up with a bestseller?
Suzette Doctolero: If I know the right formula, sana wala na akong nagawa na nag- flop. And there are soaps or movies that I’ve done na hindi rin nag rate o kumita. Walang nakakaalam sa right formula. Pero base sa experience ko at ng iba pang nagsusulat ng popular lit ay ito ang aming learnings: (1) Kailangang may filial love o pagmamahal ng magulang sa anak and vice versa. Kaya naging formula na sa soap yung ina na nawalan ng anak. Lahat yata ng soaps ay may mga inang nawawalan ng anak. Akala ko ay sa Filipinas lang ito ginagawa. Pero ang mga soaps sa Latin America ay ganun din. May mga Korean soaps din na may nawawalang anak o kaya ay nagkapalit. May sumubok gumawa, kapatid na nawalan ng kapatid. Pero mas matindi pa rin ang emotional hook ng inang nawalan ng anak kaysa doon. Bakit? Yung mga naunang soaps kasi ay babae, mga ina, ang audience. Ngayon na lang nagkaroon ng bata at lalaking audience ang soap. May mga pagtatangka nang alisin ang formula na ito. Pero somehow, nagki-click pa rin ang mga soaps na may nawawalang anak. Until now ay hindi ko alam kung bakit. (2) Kailangang may love story. Kahit anong genre pa iyan, action-adventure, drama, fantasy, horror—kailangang may love story. (3) Kapag drama, kailangang may light moment. So importanteng may comedian o side-kick na nagpapatawa. (4) Dahil may mga batang audience na kaya kailangan na ring may batang character sa soap. (5) Kailangang malinis ang main characters. Mabait sila, mabuting tao. May tamang moral stand o compass. Bihira ang mga soaps na may mga lead na flawed o grey ang character gaya ng Bakekang (nagpabuntis siya sa isang Kano para magkaroon ng anak na maganda tapos pinilit niyang mag-artista ang anak niya noong lumaki na). Iyan lang ang importanteng formula na until now ay sinusunod pa rin.
VN: What about television? Or film?
SD: Mas malawak na ngayon ang kayang abuting tema ng film lalo na’t dumadami ang mga pelikulang gawang indie na tinatangkilik na rin ng mga tao. Yung sa TV, ingat pa rin. May mga formula na p’wede nang buwagin -- gaya ng dapat mayaman ang lalaki, mahirap ang babae. Ngayon, p’wede na ang kabaligtaran nito). Pero mayroong mga formula na mahirap pa ring alisin. Halimbawa: nag-rate ang Encantadia. E kumpletos rekados siya. May inang nawalan ng anak, may love story, may comedy, may drama, may action at fantasy. May ibang mundo. May kakaibang kasuotan. May sariling lengguwahe. Check lahat! Noong natapos ang Encantadia ay ginawa namin ang prequel nito, ang Etheria. Hindi siya flopped pero hindi kasing-taas ng Encantadia ang ratings. Bakit? Inalis ko ang lahat ng formula e. Walang anak na nawawala, walang light o comedy moment—ang dark-dark niya. Pati ang love story, hindi romantic, edgy, dark. Political pa ang topic kahit fantasy. Awayan at schemes ng mga kaharian. Tapos may back-to-the-past premise pa. Kailangang maglakbay ng apat na bidang fairies to the past to correct some mistakes. Masalimuot at kumplikado, kahit ako na nagsusulat, nasisira ang ulo. E kung high fantasy angEncantadia, gusto ko dark fantasy ang Etheria. Akala ko ay tatanggapin ng audience ang dark fantasy. Hati sila. May mga natuwa dahil ibang-iba ang Etheria pero mas marami ata ang namuhi sa akin.
So ang learnings ko from then on: kung magtatanggal ng formula, isa-isa lang. Huwag lahat. Kung mag iintroduce ng bago, maglagay pa rin ng formula para may makapitan pa rin ang audience, na ginawa ko sa Amaya. Dahil bago ang historical fiction sa soaps kaya sinadya kong formula ang k’wento ng buhay ni Amaya: isang prinsesa (mayaman) na namatayan ng magulang dahil sa schemes ng kanyang tiyahin. Inapi. Kinawawa. O? Hindi ba’t soap na soap? Pero kasabay nito ay naikukuwento rin namin sa tao ang tungkol sa mga babaylan, sa mga rajah at datu, sa mga liping uripon (alipin) at timawa (maharlika), sa mga busao (encanto), sa mga old customs and traditions natin noon.
Ayun, nakita ko ang right formula sa pagkakataong iyon. Pero hindi ko alam kung applicable ito sa lahat ng soaps. Mahirap nga kasing mahulaan ang taste ng audience.
VN: Please share with us your experiences with, say, drama anthologies, soap operas, or telecines.
SD: I was lucky kasi I started writing for drama anthologies before I shifted to soap opera. Kung ihahalintulad, ang drama anthologies ay ang short stories, ang soap opera ay katumbas naman ng nobela. So bago ako nag-soap, naaral ko munang magk’wento sa maikling paraan (drama anthology) bago ako sumabak sa pagsusulat ng continuing stories (soap). Kung sa pag-aaral naman, siguro ang drama anthology ay college degree. Ang nobela ng lit, o soaps sa TV ay maihahalintulad naman sa masteral studies. Ito ang problema ng baguhang TV writers ngayon. Hindi uso ang drama anthologies ngayon sa TV kaya wala silang pagsasanay o training ground. Sasabak na agad sila sa pagsusulat ng soaps. E madali bang gawin iyon? Sa maniwala ka sa o hindi, ibang popular art form ang soap. Marami nang nagtangka na magsulat at baguhin ang hulma ng soap pero sila ay nabigo. Bakit? E hindi muna kasi inaral bago nagtangka. Para mabago ang isang bagay, kailangan muna itong maintindihan at maaral. Hanggang ngayon, sa totoo lang, hindi ko pa rin lubos na naaaral ang soap at nahahanapan ng sagot kung bakit ito ay popular sa tao. Isa siyang discipline na may kasamang gut feel. Hindi mo lang isinusulat ang k’wento, kailangang ito ay damahin din para mag-hit sa tao.
VN: What advise can you give to young ones who dream of becoming a successful headwriter and/or creative consultant like you?
SD: Kung gustong magsulat sa TV at pelikula, manood ng TV at pelikula at aralin iyon. Kahit sa pinaka-panget na pelikula o palabas sa TV ay may matutuhan pa rin.
Write. Kahit saan, kahit anong genre, kahit sa print, sa TV, pelikula, sa pader, sa papel, para sa contest--- magsulat lang. Mas matututong magsulat kapag sinasanay ang sarili sa pagsusulat. At huwag mahiyang ilako at ialok ang akdang nagawa. Ang manunulat ngayon, lalo na sa TV o popular lit, kailangan ay hindi lang marunong magsulat, dapat marunong ding magsalita (dahil makikipag-debate ka during story pitching sessions) at mag-market ng sariling akda. Kung hindi, sinong makaka-discover sa iyo?
No comments:
Post a Comment