Monday, April 22, 2013

INDIO GENIUS NAMED SUZETTE DOCTOLERO (Last part) (January 28, 2013)

Suzette Doctolero (fourth from left) with her GMA family _Denoy Punio, Kit Villanueva, RJ Nuevas, Richard Dode Cruz, Des Severino, Jun Robles Lana, and Roy Iglesias at Camp Benjamin

Vim Nadera: Can you compare and contrast your degree of fulfillment of your two big hits Encantadia and Amaya?
Suzette Doctolero: As a writer sa TV na may headwriter, wala kang boses. Ang vision at boses ng soap ay nasa headwriter. Headwriter ang guide, ang captain of the ship, siya ang magtatakda kung saan pupunta ang kuwento: characters, plot. I understand that kaya as a writer ay masunurin ako sa headwriter ko noong nagsisimula ako. Tanggap ako nang tanggap ng turo nila, inaaral ko ang style nila. Gusto kong matuto e. Pero dumating sa point na feeling ko, naaral ko na ang dapat kong maaral sa mga headwriters ukol sa soap kaya gusto ko nang marinig din ang boses ko. Luckily, GMA-7 offered me a headwriting job. My first. Tungkol daw sa diwata, kay Maria Makiling. Ay, fantasy? First time kong gagawa ng fantasy sa buong buhay ko. Two weeks akong hindi nagparamdam sa kanila. Tinatanong ko ang sarili ko: gusto ko bang gumawa ng diwata na mala-Mariang Makiling? Nakasuot ng puti? O, kaya ko bang magsulat ng fantasy? Hindi na ako puwedeng umurong. Baka isipin pa ng GMA, hindi ko pa kayang mag headwrite. So nag-isip ako ng kuwento. Gusto ko ng kakaibang diwata. Palabang diwata. Mala-amasona. Sila ang nagtatanggol at hindi ipinagtatanggol. Thus, the story of the four sisters was born. Beautiful women na mga powerful at mga palaban. Same lang din sa Amaya. Powerful woman, palaban. Sabi ko nga, matriarchial ang pinanggalingan kong pamilya na babae ang nasusunod kaya s’yempre iyon din ang gagawin ko kasi iyon ang normal sa akin. Encantadia was a test for me. Test sa pagtuklas, pag-aaral, at pagyakap ko sa genre ng fantasy. Test kung hanggang saan ang kayang tanggapin ng audience. Imagine, mga babae ang knight in shining armour at hindi lalaki? Isang Inang Reyna na may anak sa iba’t ibang lalaki at iyon ang norm sa kanyang kingdom? Pero tinanggap ng audience. Naging confident ako sa Encantadia. Pakiramdam ko, nakita ko na ang simula ng aking voice doon bilang manunulat sa TV.Amaya, compared with Encantadia has no humor. Mas serious ito. Pero palaban pa rin ang babae at powerful. Ayaw ko ng mga babaing hindi lumalaban. Pakiramdam ko, niloloko ko ang sarili ko at ang pinagmulan kong pamilya. (Actually, afterEncantadia ang Etheria, I wanted to do a historical fiction na so I submitted a concept about the life of Urduja. Pero hindi na-approve kasi nauso na ang mga adaptations bukod sa fantasy that time. So I waited for several years pa bago na-approve na gumawa ng historical fiction). While doing the research for Amaya, nagbalik sa akin ang Encantadia. I’ve realized na may nagawa akong pagkakamali sa Encantadia. I naively used the term – diwata -- to mean fairies. E iyon din ang pagkaka-intindi ng karamihan hindi ba? Hindi fairy ang diwata kundi lambana. At ang diwata, iyan ay goddess. Diyosa. Ang fairy ay isang western concept. Ang diwata ay Filipinong-Filipino. I corrected that sa Amaya kaya ginamit ko ang term na diwata bilang mga goddess. Hindi ako kinabahan sa Encantadia. Why? May excuse ako. E kasi ang mga cast ng Encantadia ay hindi pa mga kilalang artista at that time so sa loob-loob ko, pag hindi nag-rate, sila ang masisisi at hindi ako. (Laughter.) Pero kinabahan ako sa Amaya. Superstar na sa TV si Marian Rivera e. Pag ito hindi mag-rate, kuwento at concept ko ang may sala. Tapos historical fiction pa ang genre, bago sa soap ng Filipino. Ngayon pa lang gagawin. Kaya noong ito ay ipinalabas, gabi-gabi ko itong pinapanood para tingnan kung maganda ba ang episode, tapos itse-check ko ang internet para sa reaction ng mga nanood. Positive naman ang reaction except sa isang nagdunong-dunungan na ang mga binukot o hidden maidens ay sa Panay lang daw at hindi iyon makikita sa ibang banwa o tribe during the pre-Spanish Period. Ay, bobo! Other than that, masaya ako sa naging outcome kasi nag-rate, maraming commercials at may mga positibong reviews mula sa mga historians at teachers ng history.

VN: What lessons did you learn from your past works?
SD: One by one. In Kirara, I was one of the writers at sa dulo na ako pumasok. Salimpusa kung baga. Pero doon ako unang nakapunta sa tirahan ng mga aeta sa Pampanga at nakita ko ang tunay na pamumuhay nila. Mula noon ay nakita ko na ang kahalagahan ng research kahit sa mga soaps. In Sana Ay Ikaw Na Nga, inaaral ko ang pagsusulat ng traditional soap opera noong mga panahong ito at ako ay pumaloob talaga dito. In Etheria, I was humbled. Importante pa ring isaalang-alang ang gusto at hinihingi ng audience. Lupin is based on a French novel. Hinabol kami ng reklamo mula sa Japan kasi may Lupindin sila. Hello? Kinopya lang din kaya nila sa French Lupin iyon kaya walang nangyari sa kanilang kaso. Ikaw Na Sana is a family drama, sibling rivalry, so balik- formula. Joaquin Bordado is another adaptation of a Carlo Caparas’ work for komiks. Hindi lahat ng nasa utak ng writer ay mata-translate sa TV. Totoy Bato is another adaptation, another Carlo Caparas’ work. Kung ano-anong pinasok na trabaho ni Totoy, at sa bawat mapasukan niya, dini-discuss namin ang socio-ecomomic realism ng bawat pasukan niyang trabaho. Pero nag-away na kami ni Robin. Ayoko na ring pag-usapan iyon. In My Lover, My Wife, may binuwag kami sa soap: walang tunay na kontrabida sa kuwentong ito. Relationship story rin ito. Ibang bihis ng wife-mistress-husband story—noong panahon na hindi pa uso ang pag-tackle muli ng mistress stories sa pelikula at TV. Panday Kids is a another adaptation. Pambata. ‘Yon lang. Gagambino is another adaptation. Flopped sa Mega Manila pero nag-rate sa Visayas at Mindanao. Sumumpa ko na hindi na ako gagawa ng adaptation na hindi ko gusto. One True Love is my favourite drama soap na maliit ang production budget, kaunti ang tauhan pero mahuhusay ang mga artista, intimate ang mga scenes. I learned that huwag maliitin ang kakayahan ng audience na maka-unawa ng isang ideya, o complex na sakit lalo na’t kung ito ay madi-discuss nang maliwanag. Naintindihan ko rin kung bakit nag-rate ito to think na dapat ay filler lang ang soap at pang eight weeks lang pero umabot ng 17 weeks. Karamihan ng audience ng soap ay mahirap, hindi nakatapos sa pag-aaral pero nangangarap..tapos makikita nila ang isang character na nagsumikap kahit mahirap? Gusto nila ang inspiring soaps.

No comments:

Post a Comment